Ang Kasaganahan ay Nagmumula sa Kawalan

“Prosperity Arising from Poverty.” Nathalie Adina, a student volunteer, shares (in Tagalog) her reflections on Tahilan Study Center’s visit to a depressed community in Tondo (Manila) on the occasion of World Day of the Poor, 13 November 2022. The English translation follows after the article.

“Ang Panginoong Hesukristo na bagama’t mayaman ay piniling magpakadukha dahil sa atin, upang sa kanyang kadukhaan ay magsiyaman tayo.”

Nakikita ko sa bersong ito mula sa ikalawang sulat sa mga taga-Corinto 8:9, na ang ating Diyos na dahil sa pagmumula niya sa karalitaan, ay binigyan tayo ng mga konsepto ng pagmamahal, pagbabahagi, at pagtanggap sa kapwa.

Ang World Day of the Poor na inumpisahan ni Pope Francis noong 2017 ay nagsisilbing paalala sa ating mga Kristiyano na hindi dapat natin tinatalikuran ang mga taong naghihirap na dulot ng opresyon, pandemya, digmaan, at iba pang sakuna. Mungkahi rin ni Pope Francis na kapag pinag-uusapan na natin ang taong naghihirap, hindi sapat ang mga salita at kagustuhan na tumulong. Kinakailangan na bigyan ng aksyon ang mga ito.

Napiling komunidad ang Amor Village ng Tondo bilang isa sa mga benepisyaryo pagtuunan ng pansin para sa World Day of the Poor ng taong ito. Unang tingin pa lamang sa napiling komunidad ang masalimuot na kalagayan ng kanilang tirahan. Bumisita ang mga taga Tahilan Study Center, kasama ang ilan pang mga nagkusang-loob na sumama, sa mga piling pamilya ng Tondo.

Aakalain na maayos ang sitwasyon ng mga pamilyang ito sapagkat mababasa sa listahan ng mga pangalan na ang address nila ay nasa isang “village.” Ang mga bahay ay dikit-dikit at napapalibutan ng mga sirang gamit at basura. Samu’t saring mga kabataan at ilang magulang ang nasa daanan at makikitang nagsusugal, naninigarilyo, at nakatambay lamang.

Makikita ang hitsura ng mga taong nais na may makamit sa buhay ngunit pinipigilan sila ng samot-saring mga dahilan, kasama na ang mismong sistema ng politika sa bansa, na makuha ito. Hindi maikakaila na marumi at hindi kaaya-aya ang kinagagalawan ng mga taong naninirahan sa Amor Village. Ganito ito dahil sa kinagisnan nilang buhay at kapaligiran. Hindi natin sila masisisi. Ngunit ang naiisip ko lamang habang naroon, “ano ang ginagawa ng gobyerno natin para sa mga taong pinaka-nangangailangan ng tulong nila?”

Hindi sapat ang taon-taong pagbisita o pagbibigay ng pagkain sa mga pamilyang naroroon. Kailangan na bigyan sila ng pagkakakitaan na tutulong upang matustusan ang pangaraw-araw na gastusin ng bawat pamilya. Kailangan rin na may matitira pa upang makapaglaan sa pangkalusugan at pangseguridad na mga pangangailangan. Hindi ito ang pokus ng artikulo ko, ngunit, hindi ko mapigilan na mapuna ang kalagayang ito ng mga kapwa ko Pilipino.

Nang makapanayam ang ilan sa mga magulang tungkol sa kanilang mga pangangailangan sa buhay, unang isinasagot ang mga kailangan ng kanilang mga anak. Karamihan sa mga ito ay mga gamit sa eskwela, sa pagpinta at pagguhit, at sa isports. Kung ang sagot naman ay mararapatin na patungkol na sa kailangan ng mga magulang ang kanilang sagot ay laging sa kalusugan nila.

Sa lahat ng tanong sa panayam na ginawa, laging may pag-aalinlangan na magsalita ukol sa kanilang mga kagustuhan at pangangailangan ang mga tao ng Amor Village. Ni hindi ko maalala na sila’y nagparinig na kahit sa pabirong paraan tungkol dito. Tipid at marahan ang bawat sagot nila. Maoobserbahan na hindi nila hangaring humingi ng sobra. Kung ano man ang mga sagot na naimungkahi nila sa amin, kadalasan ay para lamang sa mga anak nila at sa mga pinakarurok ng kanilang kagustuhan. Hindi nila naisipang magmalabis o mag-atubiling dagdagan pa ang kanilang mga kahilingan.

Ang pagpaparaya ng mga magulang na iyon ay makikita lamang kung ang isang tao ay lubos na nagnanais na bigyan ng mas mabuting buhay ang mga anak. Ang paghingi naman ng eksakto lamang ay nanggagaling sa punto ng pag-unawa na ang pagkakaroon ng labis na mga karangyaan ay mawawala rin lang.

Ang mga pamilyang nasa Amor Village ay nagpapakita sa atin na hindi pira-pirasong pagbibigay ang hahatak sa kanila sa kanilang kahirapan. Kundi, ang pagbibigay ng pag-asa sa mga taong ito na may mararating sila at may tutulong sa kanila na makamit iyon. Ito para sa akin, ang tunay na diwa ng World Day of the Poor.

Nagplaplanong muli ang Tahilan na bumisita sa Tondo upang obserbahan ang mga pamilya upang makita kung sa anong paraan pa makakatulong. Kasama nila sa kusang ito ang mga samahang Shelter of Joy at FAMCOHSEF.

Lagi nating isasabuhay at marapating isaloob ang pagpapahalaga na ang pakikiisa ay ang pagbabahagi ng anumang kaunting mayroon tayo upang walang magipit at mauwi sa wala.

…….

English translation:

Prosperity Arising from Poverty

"Our Lord Jesus Christ, though he was rich, yet for your sake he became poor, so that by his poverty you might become rich."

I see in this passage from the Second letter to the Corinthians 8:9, that our God, because of his becoming poor, has bestowed upon us the concepts of love, sharing, and acceptance of others.

The World Day of the Poor that Pope Francis introduced in 2017 serves as a reminder to us Christians that we should not abandon those suffering from oppression, pandemic, war, and other disasters. Pope Francis also suggested that when it comes to persons who are suffering, words and desires to help are not enough. One must act.

One of the chosen beneficiary communities for this year's World Day of the Poor was the Amor Village in Tondo. A first glance at the chosen community already reveals the distressing state of the houses. The Tahilan Study Center volunteers, along with several others, visited the chosen Tondo families.

Reading through the list of families one would think that their living conditions were decent because their address states that they stay in a "village." What you see are houses packed side by side, amid surroundings of debris and garbage. A variety of youth and some parents are on the pathways. People are gambling, smoking, or just idling the time away.

You will see the look of people who want to achieve something in life but are constrained by a variety of reasons, including the country's very own political system. Undeniably the residents of Amor Village live in unclean and unpleasant conditions. Perhaps it is because they were born and raised there. We cannot blame them. But all I could think of while there was: “what is our government doing for the people who are in most need of their help?”

Making yearly visits or distributing meals to families there are not enough. They need to be provided opportunities to earn in order to cover their family’s daily basic needs. And they need more, to cover health and security needs. This is not the focus of my article, but I can't help but comment on this situation of my fellow Filipinos.

The author (in black hat) interviewing parents in Tondo

When we interviewed some of the parents about their needs in life, foremost in their mind was the needs of their children. These consist mostly of school supplies and materials for painting, drawing, and sports. When asked about their personal needs as parents, the answer is invariably related to their health.

There was always hesitation on the part of the people in Amor Village to respond to our interview questions about their wishes and needs. I don't remember that they even hinted jokingly about them. Their responses were modest and minimal. We observed that they didn’t want to request much. Most often, the responses they gave us were for their children’s needs and fondest wants. It never crossed their minds to be lavish or to request more.

The selflessness displayed by those parents can only come from persons who fully want to give their children a better life. And their asking for just exactly what they need comes from understanding that for them goods in excess will only be lost.

The families in Amor Village show us that it's not piece-meal giving that will pull them out of poverty. Instead, it is giving these people hope that they can achieve something and that there are persons who will help them get there. This for me is the true spirit of the World Day of the Poor.

Tahilan plans to visit Tondo again to study the situation of families and to see how to help more. They will be joined in this endeavor by social project groups Shelter of Joy and FAMCOHSEF.

Let us make it a part of our life and internalize the fact that solidarity is to share whatever little we have so that no one finds himself in dire straits, left with nothing.

Nathalie Adina