Ika-14 ng Pebrero sa Prelatura ng Opus Dei

Dalawang anibersaryo ang ipinagdiriwang tuwing Pebrero 14 sa Opus Dei: 1) ang simula ng gawaing apostoliko para sa mga kababaihan noong 1930 at 2) ang simula ng Samahang Saserdotal ng Banal na Krus (Priestly Society of the Holy Cross) noong 1943.

Ang ika-14 ng Pebrero ay isang mahalagang araw ng pagdiriwang sa Prelatura ng Opus Dei dahil ito ang anibersaryo ng dalawang makasaysayang kaganapan: ang simula ng gawaing apostoliko para sa mga kababaihan noong 1930 at ang simula ng Samahang Saserdotal ng Banal na Krus (Priestly Society of the Holy Cross) noong 1943.

Si San Josemaría sa isang sentro ng kababaihan sa Roma noong 1971

Ang Opus Dei ay isinilang noong ika-2 ng Oktubre, 1928, nang ipasilay ng Diyos kay San Josemaría Escrivá ang isang misyon na magiging bahagi ng Simbahan. Ang Opus Dei (Latin: “Gawa ng Diyos”) ay nakatuon sa pagtulong sa lahat ng tao—anuman ang kanilang estado sa buhay—upang matagpuan ang kapunuan ng buhay Kristiyano sa pang-araw-araw na mga pangyayari. Layunin nito na gabayan ang mga Kristiyanong nasa mundo upang maging “lebadura sa masa,” ayon sa itinuro ni Hesus; at upang ipakita sa lahat na mayroong Kristiyanong kahulugan ang pangkaraniwang buhay. Mula nang maging malinaw kay San Josemaría ang mensaheng ito, buong-pusong inialay niya ang kanyang sarili upang ito ay maisakatuparan.

Ang simula ng gawaing apostoliko para sa mga kababaihan

Sa una, hindi agad nakita ni San Josemaría na ang Opus Dei ay makapagsagawa rin ng gawaing apostoliko para sa mga kababaihan. Subalit noong ika-14 ng Pebrero, 1930, habang nagdiriwang siya ng Banal na Misa, ipinakita sa kanya ng Diyos ang pangkalahatang saklaw ng Opus Dei, na hindi lamang para sa iba't ibang estado sa buhay kundi para rin sa parehong kababaihan at kalalakihan. Gayunpaman, nananatiling magkahiwalay ang kanilang mga gawaing apostoliko, bilang pagkilala sa magkaiba nilang pangangailangang pastoral.

Ang simula ng Samahang Saserdotal ng Banal na Krus

Matagal nang batid ni San Josemaría na kailangan ng Opus Dei ang mga paring nauunawaan ang pananaw na sekular na naaayon sa mga layko. Gayunpaman, hindi kaagad nakita ang tamang paraang kanonikal sa batas ng Simbahan.

Noong ika-14 ng Pebrero, 1943, habang nagmimisa, katulad ng nangyari labintatlong taon na ang nakalipas, ipinaunawa sa kanya ng Diyos ang nararapat na anyo ng Samahang Saserdotal ng Banal na Krus, na sadyang magiging bahagi ng Opus Dei. Ang mga lalaking layko ng Opus Dei ay maaaring mao-ordenahan at maging bahagi ng kaparian ng Samahang Saserdotal, ngunit hindi ng isang partikular na diyosesis. Nang maglaon, naging bahagi rin nito ang mga diyosesanong pari na nais magsumikap sa kabanalan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang mga pari, habang nananatili namang bahagi ng kanilang sariling diyosesis.

Ipinagdiriwang ng ika-14 ng Pebrero ang natatanging ambag na ipinagkaloob ng Diyos sa Simbahan sa pamamagitan ni San Josemaría: isang bagong paraang pastoral at panlipunan na sumasaklaw sa mga kalalakihan at kababaihan, layko at kaparian, na lahat ay bumubuo ng isang institusyong bahagi ng Simbahan.

Sa simula, ang kakaibang katangian ng Opus Dei ay hindi madaling maunawaan ng ilan. Ngunit noong Ikalawang Konsilyong Vaticano, gumawa ito ng probisyon para sa mga personal na prelatura – isang institusyon sa Simbahan na ang saklaw ay nakabatay sa pastoral na pangangailangan ng mga miyembro at hindi limitado sa isang partikular na lugar kagaya ng diyosesis o parokya. Noong 1982, itinatag ni San Juan Pablo II ang Opus Dei bilang pinakaunang personal na prelatura sa Simbahan. Ang buong pangalan nito ay Prelatura ng Banal na Krus at Opus Dei.

———

English translation 

February 14 is a double anniversary for the Prelature of Opus Dei – a celebration of the commencement of Opus Dei's apostolic work with women in 1930 and the beginning of the Priestly Society of the Holy Cross in 1943.

Opus Dei was born on October 2, 1928, when God gave young Fr. Josemaria Escriva a glimpse of the institution which he was to found within the Church. Opus Dei (Latin for "Work of God") would be dedicated to helping people in every situation find the fullness of Christian life in their daily affairs. Opus Dei would help Christians in the world be "leaven in the dough," as Jesus had taught; it would be a way for people in every profession to find Christian purpose in the whole of their lives. From the moment this mission became clear to him, Fr. Escriva set about wholeheartedly to bring it to fruition.

Fr. Escriva had not initially seen that Opus Dei would work with women as well as men. About a year later, while he was celebrating Mass on February 14, 1930, it became clear to him that Opus Dei's universality must be reflected not only by embracing people in every sort of profession, but also by including women in its apostolic work. The apostolic work with men and women would be done separately, however, in recognition of the different pastoral needs they have.

All along, it had been clear to Fr. Escriva that Opus Dei needed priests who shared the secular mentality he was promoting among laypersons, but the canonical method of accomplishing this was not immediately apparent. On February 14, 1943, again during Mass just like thirteen years before, God showed him the outline of the Priestly Society of the Holy Cross, which would be an intrinsic part of Opus Dei. Laymen in Opus Dei would be ordained and incardinated in the Priestly Society, and would not be tied to any particular diocese. Later, the Priestly Society would also include diocesan priests, who would strive to attain holiness in carrying out their priestly duties, while remaining incardinated in their own dioceses.

February 14 celebrates a unique contribution that Fr. Escriva made to the Church: the pastoral and sociological innovation of having men and women, laypeople and priests, all fully incorporated in one institution within the Church. Initially, the newness of this contribution caused misunderstanding in some quarters. But then Vatican Council II made provision for personal prelatures – jurisdictional entities within the Church's hierarchical structure which are defined by specific personal pastoral purposes rather than geography, as in the case of a diocese or parish – and Opus Dei became the Church's first personal prelature in 1982. The full name of the prelature is the Prelature of the Holy Cross and Opus Dei.

Filipino translation by Myrna Custodio